Nakaupo si Dhea
sa malawak nilang school grounds nang mapansin niyang papalapit sa kanya ang
kanyang kaibigan na si Jeth.
‘’ Dhea, sama ka samin mamaya”, yaya ng kanyang kaibigan.
“ Naku, san naman?, ‘wag na at baka makaistorbo pa ko sa inyo
ni Megs”, pang-aasar ni Dhea.
“ Ano ka ba, anniversary kasi ngayon ng mga magulang ni Megs,
kaya pumunta ka”, ani Jeth
“ Ay oo nga , nasabi na sakin yon ni Megs kahapon, inimbita na
din niya ko “
“ Oh ano, sama ka? 6pm ha “, pagpapaalala ni Jeth.
“ Ok sure”. Biglang sagot ni Dhea.
Bigla naming
may nagtext kay Dhea, bandmate niya. “ uy, may gig tayo mamayang 6pm”,
pagkabasa niya sa text.
“Hala Jeth, ‘di pala ako makakapunta mamaya, may gig ang banda
namin. Pakisabi na lang kay Megs mamaya, saka kina Tita April at Tito Jun.
Sorry talaga”, pahabol ni Dhea kay Jeth. Pasaktong alas-sais nang makarating
ang banda nina Dhea sa pagdarausan ng gig. Doon niya nalaman na ang tutugtugan
pala nila ay kina Megs. Magulang pala nito ang umarkila sa kanilang banda. Bago
sila nagsimulang tumugtog ay pinakilala muna niya ang kanyang banda. Sila ang “
The Mighty Band “, si Luke, ang lead guitarist; si Jomari, sa vocal and guitar;
si Pauline ang taga-piyano; si Kenneth ang kanilang drummer; at si Dhea na
tumatayong lead vocalist ng banda.
Hindi gano’n
katagal ang kanilang performance dahil niyaya na rin sila nila Megs na
makihalubilo sa iba. Kasalukuyang nagkekwentuhan ang magbabarkada nang biglang
napasulyap si Dhea kay Luke. “ dug,dug,dug,dug”, lagi na lamang ganyan ang
kanyang nadarama tuwing napapatingin siya sa binata.
“ Uy, may gusto ka kay Luke noh?”, tukso ni Megs kay Dhea.
“ H-ha? Wala noh”, tanggi naman ng dalaga.
“ Wag ka nang tumanggi, babae ako noh, ramdam ko din yun”, sabat
naman ni Pauline.
“ Psssh, oo na, ‘wag niyo lang ako aasarin sa kanya, okay?”
sagot ni Dhea
“ Haha J
promise”, sabay na sabi ng dalawa.
Kalagitnaan
ng kanilang kwentuhan, ay bigla naming may nagtext kay Dhea.
“ Ate, loadan mo ako please? As usual”, sabi sa text.
Kung kaya’t agad
namang nagpaalam si Dhea para magpaload sa labas. Malayo rin ang tindahan sa
subdivision. Naglalakad na siya pabalik nang maramdaman niyang may humawak sa
kanyang balikat. Tumalon ang puso niya sa kaba, nilingon niya rin ito at nakita
ang isang matandang babae na nakasuot ng isang napakalaking
t-shirt at mahabang palda tapos may dalang bayong.
“ A-ah lola, bakit po?”, nanginginig na tanong ni Dhea sa
matanda.
Hinawakan naman ng Lola ang kamay ni Dhea at hinimas ang palad
nito.
“ May lalaki kang nagugustuhan sa ngayon hindi ba?” biglang
sabi ng lola.
“ Paano niyo po nasabi?”, muling tanong ni Dhea.
“ Nabasa ko sa palad mo, ngunit may iba siyang gusting babae”,
sagot ng matanda.
Binitawan ng matanda ang kanyang kamay at may dinukot itong
maliit na bote mula sa kaniyang bayong.
“ Oh, heto gayuma, hindi ba’t gusto mong magkagusto siya
sa’yo? Ihalo mo yan sa kanyang kakainin o kaya’y iinumin. ‘Pag nakatatlong araw
at ‘di mo pa yan nagagamit, mawawala siya sa’yo”.
Tinitigan ni Dhea
ang botelya na hindi niya mawari ang itsura. Parang langis na may laman sa
loob.
“ Lola, ayaw ko”, napalingon siya sa paligid ngunit wala na
ang matanda. Muli niyang tinitigan anf botelyang hawak.
“ Sabagay, hindi naman masama kung susubukan”, bulong niya sa
sarili.
Kinabukasan,,,
“Dhea”,,, napalingon siya sa tumawag at nakita niya si Luke na
nakatayo sa room nila. Niyaya siya nitong pumunta muna ng canteen dahil may
pag-uusapan daw sila. Hindi gano’n karami ang tao sa canteen, karamihan ay mga
HRM students at mga varsity players ng kanilang University na nagpapahinga.
Bumili ng maiinom ang dalawa at umupo.
“ Pwedeng bang,,,
“ Pwedeng ano? “, kinakabahan na tanong ni Dhea.
“ Pwede bang,,, tulungan mo kong paghiwalayin sina Jeth at
Megs”, sabi ni Luke.
“ Anong sabi mo? “, nagulat na tanong ni Dhea.
“ Matagal ko na siyang mahal. Dhea, tulungan mo naman akong
mapasakin si Megs. Paghiwalayin mo sila ni Jeth”, pagmamakaawa ni Luke.
“ P-pero,,, “ naudlot na sabi ni Dhea dahil bigla na lang na
may nagring na cellphone. Lumayo si Luke at sinagot ang phonecall. Bigla na
lang sumingit sa utak ni Dhea ang mga sinabi ng matanda kahapon.
“ Ngunit may iba siyang gustong babae”, “ si Meg ba yun?”,
bulong niya sa sarili.
Agad niyang kinuha ang botelyang ibinigay ng matanda. Binuksan
niya ito at hinalo sa juice na iinumin ni Luke. Maya – maya pa’y bumalik na rin
si Luke.
“Sino yun?” usisa ni Dhea.
“Ahh. Si mama?, pinapauwi na ako” sagot ng binata.
“Ahh ganun ba? gosh ang init noh?” pasimpleng sabi ni Dhea.
“Oo nga eh.” Hinawakan ni Luke ang baso ng juice at ininom.
Pagkatapos noon ay umalis na rin si Luke.
“Mukhang di talaga totoo yung gayuma.” Nasabi na lamang ni
Dhea sa sarili
***
Nagising si Dhea sa tahol ng aso at maingay na tugtog sa
ibaba. Siya lang ang tao sa bahay nila dahil nasa Cebu ang mga magulang niya
kasama si Maymay (Kapatid niya). Dumungaw ito sa veranda ng kwarto niya upang
tingnan kung ano yung maingay sa labas.
Nakita niya si Luke na kumakanta habang may hawak na bulaklak,
si Jomari na naggigitara at si Kenneth na second voice. Pagkatapos ng kanta ay
agad siyang bumaba upang pagbuksan sila ng gate.
“Anong meron?” Tanong ni Dhea. Habnag naririnig niya ang
kakaibang musika sa kanyang dibdib.
“Nanghaharana, ano pa nga ba?” sagot ni Luke.
Lumapit si Dhea kay Luke at bumulong. “Diba si Megs ang gusto
mo?”
Bumulong din si Luke at sinabing “Haha! Ewan ko
nga ba?”
***
Simula nang araw na iyon, araw – araw ng nakakatanggap ng
bulaklak si Dhea mula kay Luke. Lagi na ring dinadalaw ni Luke si Dhea sa bahay
nila, at pinakilala ang sarili sa mga magulang ni Dhea bilang manliligaw nito.
Ngunit sa loob-loob ni Dhea, hindi niya alam kung matutuwa, maaasar,
malulungkot, o makokonsensya siya sa mga nangyayari, dahil alam niya sa sarili
niya na hindi totoo ang lahat. Na lahat na ginagawa sa kanya ni Luke ay bunga
lamang ng isang gayuma. Napukaw ang pag-iisip ni Dhea nang biglang dumilim.
“ Oh gahd, ayoko sa dilim, wala akong Makita… “, natatakot na
sabi sa sarili ni Dhea.
Maiiiyak na sana siya nang may biglang bumulong sa kanya.
“ Don’t worry, I’m here”, sabi ng pamilyar na boses
“ Luke?”, bulong ni Dhea.
Iginayak siya nito sa paglalakad habang nakapiring.
Nabigla na lamang siya nang biglang lumiwanag. Natagpuan niya
ang sarili na nakatayo malapit sa railing habang nakatanaw sa field. Nang
biglang may lumutang na tarpaulin sa harap niya na may lobo sa magkabilang
gilid.
“ Be my girlfriend Dhea”, ito ang nakasulat sa tarpaulin.
Natanaw rin niya ang mga estudyante na nasa field at naka-form sila ng word na
P-L-E-A-S-E. nakita niya naman si Luke na nakaluhod at may inaabot na bulaklak
sa kanya.
“ Pumapayag ka ba?”, tanong ni Luke.
Nawala ang
ngiti sa mga labi ni Dhea dahil nagdadalawang-isip siya. Masaya siya na
nasasaktan. May bahagi ng puso niyang gusting tumanggi, kasi alam nilang
kalokohan lang ang lahat. Ngunit ayaw niya itong magalit sa kanya. Pero din a
rin niya kayang makipaglokohan. Isang bahagi ng kanyang utak ang umaasa at
masaya.
“ Mahal kita Dhea”
Napapikit siya sa sinabi ng binata. Masakit marinig para sa
kanya ang sinabi ni Luke. Natagpuan na lamang niya ang sarili na umiiyak habang
yakap ni Luke. Humihiwalay ito sa binata. “ a-yo-ko”, nasabi ni Dhea kay Luke.
Napatingin si Luke tapos
tumingin din sa ibang lugar.
“ B-bakit?, may kulang ba ko?”, di pa din siya nakatingin sa
dalaga.
Nagulat na lamang si Dhea dahil sinipa at pinaghahagi ni Luke
ang mga upuan. Nagwawala ito habang umiiyak.
“ Tama na, natatakot na ko”, pagmamakaawa ni Dhea ngunit di
siya nito pinapansin.
“ Tama na Luke,,, ginayuma kita, okay?, ginayuma kita”,
pagkasabi ni Dhea ay agad na siyang tumakbo paalis. Ayaw niyang makita ang
reaksyon ni Luke dahil lalo lang siyang masasaktan. Pinagtitinginan siya ng mga
tao dahil sa bukod sa tumatakbo ay wala ring hinto ang pagtulo ng luha sa mga
mata niya, pagkalabas niya ng school ay nagulat siya sa kanyang nakita.
“Lola?”. Sabi nito habang pinupunasan ang luha.
Si Lolang
nagbigay sa kanya ng gayuma. Ibang-iba na ito sa lolang nakita niya nung gabing
iyon. Ang lolang nasa harapan niya ay isang sosyal at may magarang damit.
“ Oh, ikaw pala yan hijah, ano? umepekto na ba yung gayuma?”,
tanong ng matanda.
Hindi nakasagot dahil nawirduhan ito sa matanda.
“ Oh apo, nandiyan ka pala, umepekto na ba yung plano?” si
lola pa rin ngunit hindi siya kay Dhea nakatingin kundi sa taong nasa likod
niya. Si Luke.
“ Sa tingin ko ay nagtagumpay ka. Oh siya, ikaw na nga apo ang
magpaliwanag sa kanya. May appointment pa ‘ko”, sabi ng matanda at sumakay na
ito sa sasakyan at umalis.
**
Isang linggo na ang
lumipas. Isang lingo na rin matapos sagutin ni dhea si Luke. Pinaliwanag ni
Luke kay Dhea ang lahat-lahat.
Si Luke ay matagal nang may gusto kay Dhea, ngunit dahil ito
ay torpe, hindi niya magawang ligawan si Dhea. Ang buong bandang kasama ni Jeth
at Megs ang nagplano ng lahat. Si lola na nagbigay ng gayuma ay lola ni Luke.
Nandun din siya sa party pero ‘di nga lang nakita ni Dhea. Yung mga sinabi ni
Luke na mahal niya si Megs ay parte lang ng plano para mailagay yung gayuma. Sa
paraang iyon, malalaman ni Luke kung may gusto talaga si Dhea sa kanya. Nakita
rin ni Luke na sinalin ni dhea sa baso ang gayuma kung kaya’t dun na naglakas
ng loob si Luke na magtuloy-tuloy sa panliligaw. At yung gayuma naman na inabot
ng matanda ay patis lang talaga.
Sa huli, humingi
rin ng tawad si Luke kay Dhea dahil sa lahat ng nangyari lalo na nung nagwala
siya. Nagawa lamang daw niya iyon dahil sa sobra niyang mahal si Dhea.
“ Kain ka na”, umupo sa tabi ni Dhea si Luke. Nagpapahinga
sila ngayon dahil kakatapos lang nilang magperform sa isang gig.
“ I love you” bulong ni Luke. “ I love you too”, sagot naman ni Dhea.
=-
WAKAS =-
No comments:
Post a Comment