Sumagi
lamang sa aking isipan, sino nga ba ako sampung taon mula ngayon?
Marahil, hindi lamang ako ang nag-iisip ng ganitong bagay.
Kung pakaiisipin, lahat naman ng tao ay may pangarap, hinahangad sa buhay, at
inaasahang mangyari sa hinaharap. Ang tanong, matupad kaya ang lahat ng mga
iyon?
Siyempre,
matutupad iyon kung may determinasyon talaga ang isang tao na mangyari ang
lahat ng kanilang inaasam. Bilang isang kabataang nangangarap, marami akong mga
ninanais na matupad sa buhay. Isa na rito ay maging isa sa mga iginagalang na
guro sa hinaharap. Kung kaya’t kumukuha ako ng kursong edukasyon. Para sakin, makamit ko lamang ang propesyong
ito na aking hinahangad, siguradong makakamit ko na rin lahat ng mga bagay na
aking inaasam. Hindi naman ako mahilig sa mga material na bagay lalo na’t kung
ito’y mga mamahalin. Nais ko lamang ay magkaroon ng simpleng buhay at maiahon
sa hirap ang aking pamilya. Sampung taon mula ngayon, nakikita ko ang aking
sarili bilang isa sa mga guro na may masteral degree. Opo, kung papalarin na
maging isang guro, nais kong ipagpatuloy agad ang pagiging guro patungo sa
Masteral at hanggang Doctoral. Nagtuturo sa pampublikong paaralan, at
ibinabahagi ang mga kaalamang aking patuloy na natutunan a aking buhay.
Alam
kong masyadong mataas ang aking hinahangad na buhay sa hinaharap. Ngunit
naniniwala ako na makakamit ko ito sa pamamagitan ng determinasyon sa buhay at
tiyaga na makuha ang mga ito. Naniniwala din ako na hindi ako nag-iisa sa
landas na aking tinatahak. Nariyan ang aking mga kaibigan at pamilya, na
patuloy na sumusuporta sa aking mga adhikain. At ang pinakamahalaga, ang
Panginoong lumikha na nariyan at gumagabay sa akin sa bawat sandal ng aking buhay.
No comments:
Post a Comment