Sumapit na naman ang buwan ng
Pebrero. Buwan ng mga taong nagmamahalan at nag-iibigan. Siyempre, naglipana na
naman ang mga panindang bulaklak, tsokolate, teddy bear, o di kaya’y mga lobong
hugis-puso. Abala na rin ang ilan sa pag-iisip ng kung anong magandang ibigay
para sa kanilang mga iniirog. At para sa aking ikatlong blog, nais ko lamang
ibahagi ang aking kwento tuwing araw ng mga puso.
Kung inaakala niyo na masaya ang
pebrero ko dahil may sinisinta ako , nagkakamali po kayo. Ang pebrero ang isa
sa mga buwan na kinaaayawaan ko, hindi dahil sa wala akong lovelife kundi dahil
ito ang buwan na abala na naman ako sa paghahanda para sa nalalapit na labang
aking sasalihan. Bilang arnisador, pebrero at marso ang mga buwan na may
matinding kompetisyon akong sasalihan. Ngayong taon ay ang ikalawang beses kong
maging isa sa mga manlalarong magrerepresenta ng ating eskwelahan para sa
ALCULYMPICS. Hindi sa ayaw kong lumaban, ngunit masyado lang kasi talaga akong
maraming inaasikaso sa buwan na ito. Pag-aasikaso ng mga papeles para sa laban,
matindi at halos patayan na training, at siyempre, makikisabay din ang mga
dapat kong tapusin sa aking academics. Kung iniisip niyo na masyado akong
mababaw kung bakit kinaaayawan ko ang buwan ng pebrero ay hindi lamang po iyan
ang dahilan. Isa sa malaking rason ay dahil lagi akong nawawalan ng pera sa
buwang ito. Ang nakakatawa pa’y sumasakto ito sa mismong araw ng mga puso,
February 14, 2014. Taong 2012, kasagsagan ng aking paghahanda para sa nalalapit
naming laban ng Regional Meet noong ako’y nasa sekondarya pa lamang , ay
nawalan ako ng halagang 600 php. sa aking pitaka. Pasalamat ko na lamang ay
mabait-bait pa ang kumuha nito dahil tinirhan niya pa ako ng pamasahe pauwi.
Haha J
Inisip ko na lamang na nangangailangan ng pang-date ang taong kumuha nun.
Nitong nakaraang taon naman, nasa kalagitnaan din ako ng paghahanda para naman
sa nalalapit na ALCULYMPICS, kung hindi nga naman ako minamalas, ay nawalan na
naman ako ng pera sa aking pitaka. At sa pagkakataong ito, halagang isang libo
naman ang nawala. At syepre, may natira pa.. 25php. Ngayon, pa’no ko masasabi
na ang pebrero ay buwan ng mga puso? Kung may mga taong walang pusong
pumupuslit ng pera ko? Haha J
bitter ba ?
Itong blog na ‘to ay tinatype ko
ngayong araw ng mga puso. Iniisip ko lang, ano naman kaya ang
mawawala sakin? Haha J masyado ko nang inaasahan na may mawawala
nga, pero sana ay wala naman. Sabagay, wala naman nang mawawala sakin dahil
wala talaga kong naitatagong pera ngayon. Pahabol, Goodluck sa nalalapit kong
laban :>
No comments:
Post a Comment